Tip#13

Me mga nagttanong ,bakit daw payat ang ibon ,ano bitamina etc etc.

*Unang una, icheck ang ibon, ang pagiging payat o payatin minsan nasa lahi, baka bangkain ang nanay o tatay nito, namamana ng anak ito o genetics ito, parang sa tao, me payat me mataba, me malaki me maliit.

*Tamang alaga, tamang pagpapakain ,dapat 2x a day, isa sa umaga at hapon, sa patubig tapos uminom palitan ng bago.

*Ang lahing payatin wag ng gamitin, unless npakahusay o pwedeng ipreserve ang lahi nito.

*Ang bitaminang mga b-12 magandang supplemento para lumakas kumain ang ating alaga, nakakabilis ito ng kanilang metabolismo para mabilis nilang magamit ang patuka o kinain nito.

*Ang brewers yeast ay isa pang magandang supplemento na nag tataglay ng vitamins at b-12 na sangkap nito,pwedeng isubo as tableta o halo sa patuka pag marami kang ibon.

*Sa normal na alaga , gumamit ng pares na maganda pangatawan, dibdib, haba ng katawan etc, dapat balansyado, magiging maganda at malusog ang ating alaga.

*Siguruhin din na malinis ang loft natin lage.

*Sa mga nabanggit dapat makabuo tayo ng magaganda at maayos na palahi.