Tip#08

FLOCK AND FLY TIPS

Marami po nagttanong sa sistema namin ,ito po sa karera simpleng simple lang po,sana'y makatulong sa newbie fanciers natin.

*Linggo ,karera, pag uwe nirerecover muna namin sila, pahinga mga 20-30minuto bago latagan ng sneaky mix at glucovit na me tubig,tapos magsusubo na sila ng revovery aid capsules at 3 patak ng excellence reload.

*Lunes, obserba, pag buo o namumuo na dumi,means ok na sila, typical grain feeds,sneaky,peanut pinakkain, plus probiotic sa inumin ,sa hapon lage kmi fresh water,nag papatak din kami ng mcm bf lower respiratory gamot, para kung me nasagap sa karera medyo safe sila.wala pong loftfly,full rest at ligo sa umaga mga 11am pag mainit, hinahaluan lang ng verselle laga ideal bathsalt ang paliguan para ma relax ang kalamnan.

*Martes, pag ok na sila, pwede na sila i loft fly, para samin wag ng i force fly, un tamang lipad nalang, sa gabi sinusubuan po namin ng fnf b-power pollen capsule at 3 patak ng reload.

*Miyerkules , Nag midtoss kami depende sa oras ng pauwian, kung malapit nasa 10am ang bitaw at adjust kada linggo ng 30mins ang bitaw para masanay sila, at matuto na sa ganitong oras lumilipad pa sila.Pag uwe nila,pahinga,kain,inom ng tubig na me glucovit ,sa gabi subuan ng recovery aid at 3 patak reload, inaasure natin na lagi silang nka recover.

*Hwebes,loft fly lang, at normal na feeding at tubig sa inuman.

*Biyernes,loft fly lang, ligo sa umaga mga 11am kung pwede sa panahon, para relax sila at maganda temperatura nila nde kainitan hindi kalamigan, sa gabi nagbibigay kami ng fnf b-power capsule at plain water.

*Sabado, umaga ng loading, dahil sa PHA kamo, sabado ang loading pag malapit pa, pakain at inom lang sa t-box, then load na kami mga 10-11am.

Sa simpleng sistemang ito nkakamit kmi ng panalo sa PHA na kahit maraming magagaling nakakasingit parin despite npaka pangit ng location namin sa novaliches, nawa'y makatulong sa inyo ito maraming salamat po.