BASIC TIPS SA BAWANG

 

Pagtuunan naman natin ang isang madalas na itinatanong ng ating mga idol patungkol sa paggamit natin ng Bawang sa ating mga kalapati.

□Ang bawang ay isang Natural Antibiotic, Natural immune stimulants  na ginagamit bilang pang Cleansing/Flushing. Ginagamit din ito ng iba bilang pang Deworming sa kanilang alagang ibon.

□Ang Bawang ay isa sa napakadaling mahanap o makita lalo na sa loob ng kusina. Kung kayat ito rin ang madalas ipamalit na gamot na kailangan nila na wala sa kanilang lugar.

☆Sa paraan ng paggamit nito ay kadalasan itong inihahalo sa tubig. Kumuha ng tatlong butil ng bawang at pagkatapos ay inyong dikdikin. Pagka dikdik sa bawang ay maghanda ng Isang Litrong tubig at ilagay doon ang dinikdik na Bawang. Ibabad ito ng isang oras bago ipainom sa kalapati. Kaaya ayang ibigay ito sa ibon bago sila pakainin at pagkalipas ng 30 minuto ay maari na silang patukain.

☆Sa iba pang paraan ng pagbibigay nito

ay tinutusok ng tinidor ang butil ng bawang at ibinababad ng buong magdamag sa isang litrong tubig at kinaumagahan ay saka palang pinapainom ito bago magpatuka. Ang ganitong paraan ay pinapayong tantyahin ang piraso ng bawang na ilalagay. Ang labis na dami ng bawang at tagal ng pagkakababad nito ay magreresulta upang hindi ito inumin ng ibon (matapang ang amoy).

☆Sa ibang banda naman, ang ilan ay nagsasagawa ng direktang pagsusubo ng bawang sa kanilang ibon. maghiwa lang ng kasing laki ng buto ng Green Peas atsaka isubo ito sa ibon.

☆Pwede rin itong pakuluan gamit ang tatlong pirasong bawang.


■Pinapayong huwag araw-arawin ang bigay nito sapagkat mainit ito sa katawan ng ibon, upang makaiwas na rin sa problemang maaaring maidudulot nito na Maaring mapuksa nito pati Good Bacteria. Isang beses lamang sa isang linggo ko ito ibinibigay, walang labis walang kulang.