Tip#09

FLOCK & FLY TIPS

Talakayin natin ang pag rerecover na ibon, samin loft ang gamit namin ay FnF recovery aid at glucovit at excellence reload lang,maraming pwedeng gamitin na produkto sa mabilisang recovery, isa ito sa napaka importante sa ating karera para makamit ang panalo.

*Pag uwe ng ibon sa karera, pagod ito at stress, mahina at lupaypay, unang una magandang pagkain nila ay sneaky mix, small oily energy seeds, na mabilis tunawin at agaran nag bibigay ng lakas.(kaya nga pag me sakit ang tao o mahina pa,lugaw ang pinakakain imbes kanin na, para mabilis tunawin,dahil mahina pa ang panunaw)

*After mapahinga ng 20-30minuto,pwede na silang painumin, ang gamit namin ang produkto namin na FnF glucovit, na glucose base na me halong electrolites+vitamins, me mga imported din na verselle laga glucose haluan lamang ng verselle laga recuplyt o verselle laga dextrotonic, pwede din ang belgasol , lahat ng ito ay nakakatulong manumbalik ang lakas nila.

*Tapos nyan sinusubuan na namin sila ng FnF recovery aid ,na mataas ang protein content para maka recover agad ang napunit nitong mga tissue sa muscle gawa ng matagalang lipad , meron din verselle laga recovery caps, mcm germany hummer capsules na me taglay na amino acids at protein content para sa agarang pag recover.

*Tapos subuan, pinapatakan namin ng 3 patak sa bibig ng excellence reload plus, ang reload ay napakabisa mag bigay ng instant lakas, dahil sa ribose at electrolites contents nito, naiiwasan din ang pag titinikling ang pangalay ng paa ng ibon ,na nauubos ang electrolites sa katawan nito,binibigay namin ito before loading at after race.

*Mga ilang oras , maliksi at masigla na sila, mabilis nila mabawi ang nawalang lakas nila.me mga ibon na mahina din mag recover, oo me malakas at mahina na nasa lahi o pagkaka breeding ng ibon, jan wala na tayong magagawa kung genetics na ang hina ng recovery nila.

*Lunes, samin nde na muna namin sila pinalilipad sa loft, easy race man o hard, kelangan nila mpahinga at magpagaling ng mga muscle na nasira sa matagalang pag lipad, binibigyan namin sila ng paliguan na me verselle laga ideal bathsalt, ang asin na ito ay ginawa at formulated pang ibon, bukod sa makinis at malinis na balahibo, me taglay itong sangkap para ma relax ang muscle nila at tubig na maligamgam , para manumbalik ang normal body temperature nila at presko ang katawan.

*Sa araw ng martes, recovered na sila, check nyo mabuti ang dumi ,dapat buo buo na sila, pwede nyo na i loft fly .

Ganito ang tamang pag recover ng ibon na nasubukan na namin, kung me iba pa kayong style ng pag recover share nyo nalang dito, wag lang mag marunong ng walang resulta,sa kada karera resulta ang importante sa lahat.

Maraming salamat po.