TIP#07



Tip #7

FLOCK AND FLY TIPS

 Pagbibigay at Istilo namin sa loft sa pagpapatuka.

*Mag bigay lamang ng tamang patuka, pag me natira,ugaliing itago ito para maiwasan gapangan ng ipis o daga sa loft.

*Ang ibon ay habit forming, ibig sabin kung anong oras nyo sila pinakakain ay dapat laging ganun na hanggang karera.

*Kung 10am kayo nagppakain sa umaga at 5pm sa hapon dapat yan lage ang sundin.

*Ang istilyo namin sa pagppatuka ay samin loft gamit, kung gusto nyo gayahin gawin nyo kung ayaw nyo wag.

*Ang style sa pag ppatuka o pagbbigay ng grains ay kunti kunti lang, gustong gusto ng ibon un nagaagawan sila, oo matrabaho mag patuka ng ibon lalo un gusto ninyong manalo.

*Pag ubos ng maliit na takal tyaka uli magbigay hanggang mabusog ito.

*Ang mga nag sasabi na namimili ang ibon nila ay un buhos lahat patuka, mali po un.

*Unti unti ang bigay hanggang maubos,para wala silang piliing butil maliit o malaki, ang matitira lang ay sa huli pag busog na sila.

*Sa aming loft,eat all u can ang style, busog hanggat kaya, ang ibon ay mabilis ang metabolismo at kayang lusawin o gamitin ang kinain nila.

*Mag bigay muna ng grains na bnibigay nyo, unti unti para walang piliin, pag busog na sila o nahihirinan na, bigyan nyo na ng painom, pag ayaw na ng grains at nakainom na, palitan na ang patuka at bigyan ng sneaky mixture.

*Unti unti lang din , parang nasasarapan sila dito at gustong gusto nila kainin ang small seeds, ang tubigan iwan nyo na,hayaan nyo sila uminom pag gusto.

*Pag ayaw na ng sneaky, peanut naman o mani, un maliliit na me balat, ito po ang paborito nila at mataas ang protein content at oil substance nito na nakatutulong sating pangarerang ibon sa malayuang liparan.

*Sa hindi maipaliwanag kahit busog na sa grain at sneaky ay kakain parin sila ng peanut.

*Tapos na silang kumain, linisin na ang silid ng patukaan at painumin sila ng tubig na pwedeng nkababad lang from 11am-4pm hanggat sa oras ng pakainin uli sa hapon ok lang na me tubig sila sa loft sa pagitan ng oras na yan,at pakasiguruhin palitan ang tubig ng 2pm para sariwa pa ito.

*Ang supplements na hinahalo sa tubig ay maganda sa umaga bnibigay lamang at plain water sa hapon, lageng plain water sa hapon.

*Wag kayong magalala na busog lagi ang ibon mapahinga ng 1 oras o 2 pwede na silang paliparin sa hapon,mabilis nilang nagagamit ang kinain nila.

Inuulit ko, wala po akong pakialam sa feeding procedure nyo, ito po ay tips lang namin sa newbies, kung feeling nyo magaling na kayo o di nyo kailangan ang tips namin, manahimik nalang, importante po me galang tayo at me rsulta sa karera.maraming salamat po.