Tip#11

 Ang gamit sa iba't ibang gamot na dapat naiintindihan natin saan ang gamit part 2.

*Digestion pills~Nakakatulong sa pag tunaw ng ibon, lalo sa pag dating ng karera, importanteng nde overused o over worked ang balunbalunan nila para tumunaw ng pagkain, bnibigyan ng digestion pills para madali silang tumunaw habang relax din sila para sa darating na derby.

Example: Ideal pills,victery pills,wakamoto,gi digest,digestimax.

Ang wakamoto ay pwede o ginawang pangtao sa ibon pwede ito 2-3x a week, sa tao pag bata 4 pills sa matanga 8-9pills para maganda ang panunaw lalo na sa mga nabunsol sa dami ng kinain.

*Speed pills~Mga gamot na nkakatulong pabilisin ang mga ibon, bumibilis ito sa pamamagitan ng magandang pagdaloy ng dugo, bumibilis lalo at tibok ng puso nila at masasabing kung isang kampay lang ng pakpak un walang subo nito un meron ay dalawang kampay na sa isa mo.

Example: Mcm gs pills, Supra pills,Formavit pills.

Isang drawback nito ay nakakainit ng katawan nila, na masama pag mainit din ang panahon at malayuan liparan.

*B-12 Supplement~Magandang pang condition sa dugo, gumaganda ang daloy, mas pumupula ang red blood cells nila, mas nacocondition sila at mas malakas kumain gawa ng gumaganda din ang kanila metabolism,mas mabilis tumunaw at ganado.

Example: Super b-12 , Vitaboli, Blitzform.

Ang drawback nito pag nasobrahan ay mainit sa katawan, at nag dudumi ng basa pag sobra sa katawan.

*Upper respiratory~Isang magandang gamot ay ang upper , ang upper ay kasama ang mata,tenga,ilong, parang eent sa tao, nalilinis ang upper respiratory, ang ibang gamot na nka lulusaw ng plema at ibang bara bara sa ibon ay nalilinis nila, importante ito para samin sa araw ng karera.

Example:Mcm respiratoite,Oxygen plus,mucus powder, formadrops,belgadrops.

*Lower respiratory~Partner ito ng upper na kelangan din linisin, sakop nito ang salmonella,coccidiosis,etc, una itong nililinis me mga gamot pang lower, nde natin kadalasan nakikita to pero isa ito sa npaka importante na nkkatulong ayusin.

Example: Mcm bf drops,bs powder etc.

Pag uwe ng derby , pag dating lunes mas ok na bnibgyan sila ng pang lower para panangga sa kung ano nasagap nila sa labas,lunes at martes pwede ibigay sa biyernes na un upper o hwebes.

Ang lahat na to nakkatulong kung alam ang ginagawa at alam kung pra saan.

Tandaan lahat ng sobra masama.