Tip#15

 Ishare namin sa mga newbie fanciers ang breeding natin sa loft.

*Siguruhin na galing sa mananalong linya ang pinagpares natin, sa ganitong pamamaraan mas malapit tayo sa katotohanang manalo.

*Mag bakuna tayo ng pmv vaccine bago mag flushing.

*2 linggo tapos ng bakuna pwede na tayo mag flushing, mag tatanggal ng bacteria at mag ccondition para maayos ang breeding natin.

*List ng step by step flushing.

Day 1 mag purga,gamit ang any pamurga sa market, rockdove astig, tri-m in & out, verselle laga Avicas, Belgica wormac etc. Iwasan ang pang manok na nde dinisenyo para sa kalapati.

Day 2, mag paligo o delouse, pwedeng shampoo o malathion pag tuyo nila, patakan sa batok at pitso ng Ectobuster, nakakapuksa ng ibang external parasites na di nadale sa paligo.

Day 3,4,5 mag bigay 1 capsule ng pang salmonella capsule, para malinis ang kung anong harmful bacteria sa sikmura nila.

Day 6, probiotic , painumin sa umaga, tubig sa hapon pahinga.

Day 7,8,9 mag biga 1 capsule ng canker caps, 1x per day same nun una sa salmo.

Day 10 ,probiotic ,pahinga.

Day 11,12,13 magbigay ng doxycycline caps para sa kung anong respiratory infection na nka tago.

Day 14, probiotic, rest, plain water sa hapon.

Day 15,salang nyo na mga magkkapares na breeder.

Paalala: Wag mag bigay ng grits habang nag fflushing ,ang grits ay nakaka absorb at nakaka walang bisa ng gamot.

Bakit po finaflushing o nililinis bago isalang??? Ang pag bbreed ay npaka stressfull sa ating mga breeders, any stress na me tama sila sa katawan na sakit ay lalabas agad pag stress sila, kaya inuunahan na natin ito bago pa man mapasa sa anak o lumabas ito.

*Pag nakasalang na sila, 100% me grits silang nka lagay sa loft, ito ay kelangan nila ng extra calcium sa katawan para maganda ang pag buo ng shell ng itlog nila at napupuno ang nawalang calcium ng inahin.

Me mga extra calcium supplements na pwedeng ihalo sa tubig gaya ng fnf calci-d, verselle laga calci-lux, Ayurvet ayucal-d na halo sa patuka, excellence d-cal na liquid pwede ipatak direct sa bibig ay nakakatulong lahat sa matagumpay na pag bbreed.

*Bukod sa pag bigay ng probiotics na nkkatulong sa balanseng bacterial fauna ng bituka, ay nag hahalo din kami ng supplement pang breeding, ang excellence breeder ade ay npakagandang supplemento sa breeders, tandaan mpa manok o ibon ay kelangan ng saganang vitamins A,D,E.

Ang vitamin A ay maganda sa overall health ng ibon, ang D ay sa buto, balahibo , ang E para sa antioxidant o anti stress at pampataas ng libido ng ating breeder, ang Breeder ADE ay meron nito, at makikitang dilaw n dilaw at malakas ang pagkakasisiw ng ating alaga.

*Lage lang din linisin at palitan ang inuman ng ating alaga, ang tubig na me probiotic at gamot once nainom na tinatapon na namin ang sobra gawa ng mabilis na itong mapanis, at pinapalitan ng fresh water, halos kada oras kung kayang palitan ang tubig ng bago ay palitan natin.

*Ang pagbibigay ng patuka ay kanya kanyang style, samin breedermix namin lang ang bnibigay, basta mataas na protina ang kelangan ng ating breeder at inakay na lumalaki.

Nawa'y maraming newbie fanciers ang aming natulungan maka simula ng matino at magandang panimula sa breeding.