Tip#14

 Simpleng tips na makakatulong sating newbie fanciers.

1.) Magturo ng inakay mag trap mga alas 10am -12pm ,oo mainit ito mas iwas sa fly away, mas kunti ang lose.

2.) Ang technique sa training sa pag karga sa truck ay mas ok masanay o ikarga sa gawing likurang dulo ng truck, para masanay sa tagtag, pag dating ng derby kahit ang live mo makarga dun sanay na sila.

3.) Mag paligo ng ibon isang araw bago ikarga sa truck ng derby, mas nasa tamang temperatura katawan nila at di nag iinit.

4.) Importante ang pag patak ng mga formadrops o belgadrops at respiratoire para sa upper respiratory tract ng ating pang laban, iba un malinis at walang bara bara sa hininga sa araw ng laban.

5.) Importante ang mid toss sa linggo ng derby, kahit isa sa gitna ng lingo bago iload sa derby, ang standard ay 1 oras na liparan ay ok na, para di matulog ang katawan nila at laging nasa comdition.

6.) Laging palitan ang tubig na iniinom in between hours kung nka tengga ng 3 oras palitan ng bago ika 1.5 oras para sariwa ito , nasisira din sa plastic container ang tubig na nka imbak na matagal, wag din mag iiwan ng grits o tubig o pagkain ng magdamagan sa loft pwede itong gapangan ng ipis o daga.

7.) Magandang gumamit ng screen na maliit ang butas kesa nasanayang 2x2 screen, ang maliit na butas ay nkakapigil pumasok ang ibong maya sa loft at makikain,sanhi ng pagkakasakit ng ating alaga, tandaan wild bird po ang mga maya at saan saan nadapo at anu anong nasasagap na dumi sa labas.

8.) Ugaliin mag bakuna ng flyers bago kayo mag simula ng road training, ang flyers ay dapat nabakunahan na 30days old palang at bago mag training, iba ang yb na protektado nde basta basta nauubos sanhi ng sakit.

9.) Ang pag iibon ay me kaselanan at medyo magastos, mabuting wag muna pasukin ito pag dipa natin kaya, hindi po mawawala ang pagiibon ,kaya mas maganda nating simulan ito ng kumpleto at kaya natin ibigay ang dapat nilang kailangan.

10.) Paalala lang sa mga nagttraining , ang "balik" sa training ay nde pagkakitaan kayo, kundi para ma "reset" ang katawan nila na pinahihirapan nyo dahil gusto nyo lageng malayo ang bato, kung ang makina nawawasak sa laging pag andar, ang katawan p ba ng ibon???

Maraming salamat po sa susunod po uli.