Ang pagamit ng garlic oil sa loft namin ay ishishare namin.
*Ang garlic oil o any garlic base ay maganda sa overall health ng ating alaga.
*Ang garlic oil ay natural antibiotic na nkakapuksa ng bad bacteria ang problema sapul nito pati ang good bacteria na nkkatulong sa bacterial fauna sa bituka ng ating ibon.
*Gamitin ito halo sa patuka o direct patak sa bibig mga 2-3x a week safe na po, sa aming loft ok na ang 2x a week.
*Therapeutic ang effect nito sa ibon, dimo nammalayan un pala tumatalab.
*2x namin halo sa patuka ito as "binder" para dumikit ang supplemento sa patuka at pakain din nila.
*Un iba naririnig ko, araw araw ang bigay, sa di nila alam dahilan bakit nagkakasakit parin ang kanilang ibon.
*Sa nakikita ko ganito, ang garlic oil ay me natural antibiotic na taglay, sa araw araw mong gamit napupuksa nito ang bad bacteria and yes, pati na ang good bacteria, sa ibon po, walang ibang importante kundi maalagaan ang balance ng kanilang sikmura, kaya nga tayo gumagamit ang probiotics.
*Dahil nawala na balanse ng bacteria sa sikmura nagiging sakitin na ating alaga.
*Ang solution jan, bawasan muna gamit ng garlic oil, tapos bigyan lage ng probiotic, at haluan un pagkain ng digestal o belga bac, na nkkatulong na mabilis na paramihin ang good bacteria sa kanila bituka, once maayos na sila, dalangan nlang pag bigay ng garlic oil.
Tandaan ang lahat ng sobra masama, kaya intindihin kung para saan ginagamit ang mga ito.