Tip#10

Part 1, Ang pagamit ng supplemento o pampalakas na gamot ay importante din sating atleta, wag lang pasosobrahan lahat ng sobra ay masama, ang gamot ay tulong lamang wag gawing dahilan ito sa panalo o talo.

*Brewers yeast~ ay powder form o tablet form na binibigay natin , kami 3x a week pwede din 2x ,powder form na halo sa patuka,?magandang source ng bitamina ito kumpleto din with amino acids.

*Amino acids~ay suplemento na kung sasabihin natin pagkain ng muscles, ito din ay isang muscle builder, pwede din pang recovery ito, ang ibon na galing sa malayong liparan, ay nasisira ang muscles, napupunit, isang role ng amino acids na pag dikitin ang mga ito , once npagdikit mas malapad na ito sa dati, jan nagiging macho ang alaga natin.

*L-Carnitine~energy giving supplement ito maganda ka tandem ng amino acids, sa mga nag bubuhat o nag babarbel alam nila ito, binibigay ito bago training o paliparin makikita mong malakas at matagal lumipad ang ibon, tapos nyan paliparin ng matagal magandang bigyan ng amino acids para ma repair o marecover naman ang nasirang muscle tissue nito, karamihan ng pang recover na tablet o capsules ay may amino acids din.Ang isang drawback sa L-carni,once nanalatay sa dugo ng ibon ay mainit sa katawan.

*Glucose~Ay source ng instant energy, mabilisan nagagamit o umeepekto sa katawan ito, maganda rin na me halong electrolites at vitamins para sabay narin ma replenish ang nawalang sigla sa mahabang paglipad.

*Pink mineral~ Tulad ng grits ,isa ito sa mineral na maganda sa katawan ng ibon, para sa overall na pag ganda at pag alaga, isa ito sa importanteng parte sa ating pagaalaga.

*Probitics~masasabi natin na pampaganda ng dumi?, sa totoo lang, nde naman un ang main purpose ng probiotic, ang main purpose ng pagbibigay ng probiotic ay ma recover at ma replenish ang nawalang "Good bacterial" fauna sa bituka nila, pag na sstress sila etc o nag antibiotic tayo, namamatay ang balanse ng good at bad bacteria, kaya kelangan natin ito para bumalanse ang bacteria nila, at the same time bonus na ito sa maganda at buong dumi na less sa amoy, tandaan,ang ibon na healthy buo at maganda ang dumi kahit walang probiotic.

Ito po muna mga ka fancier, sa part 2 talakayin natin ang iba pang supplemento na nkakatulong sa ating pag lipad.

Alamin ang bawat "function" ,wag tayo gaya gaya na gamit ng tropa kong nanalo ganyan, pero di nyo alam para saan, tandaan,ang gamot sa iba ay lason sa di nakakaintindi.

Maganda umaga po