MASAKIT NA KATUTUHAN SA PAG IIBON

 

Masakit na katotohanan sa pag iibon part 5

Marahil marami tayong na eenkwentrong messages sa mga "newbie" o newbie daw sila.

ito ang mga iilan sa messages na madalas ko makita.

"Newbie"-  sir/boss , baka pwede makahingi ng ibon , baguhan lang kasi ako at idol kita 😊

*Opo , walang masama sa pag iidolo mo at paghhingi, pero ampangit pakinggan na gagawin mo dahilan ang pagging baguhan mo, ang ibon ay hindi natin hinihingi, unless malapit natin kaibigan na magbibigay kusa o nalalambing nating arborin minsan , wag po na parang obligado pa ang hinihingan nyo magbigay sa inyo.tandaan hindi po tama manghingi kasi newbie kayo.

Newbie- Lodi pwede ba makahingi ng ibon mo kasi wala akong pambili at nag sisimula palang ako.

*Napakagastos ng sport na ito alam nyo yan mga kalapatiran, kung walang pambili, wag muna mag ibon, kasi kahit bigyan ka, wala kadin pang tutustos para alagaan sila, maayos na loft, magandang patuka at mga suplementong kailangan nila hindi mo maibbigay, kaya sayang lang ang ibon, mag alaga kapag ready na, at pinaka maganda maghanap muna ng trabaho para me pantustos sa bisyo.

Newbie- (sumali sa club at na Disqualified) Boss pasensya na, baka pwede pa ko mka habol "newbie" lang kasi ako.

*Sa aking palagay , lahat naman tayo ay dumaan sa pag ka newbie , dapat maging listo lalo sa pamamalakad ng sinalihang club, ang pagiging "member" ay simula na ng iyong responsibilidad at sa pagiging isang ganap na kalapatids, wag gawin rason ang pagiging newbie mo dahil ikaw ay nag pabaya sa isang bagay kaya na disqulified, paka tandaan , walang pres ng club ang masaya pag na DQ ang kanilang player, ginagawa ito para maging disiplinado ang player at maging organize ang isang club.

Para sakin , wag natin gawin dahilan ang pagiging "newbie" , marami parin akong nakikita na masunurin at mababaet na baguhan sa larangang ito na bukas ang mga tenga nila na makinig at matuto, sana'y maraming napulutang aral ang mga kaibigan natin newbie sa pagiibon , ito talakayang ito ay para matuto kyo at maging maayos at maginoong kalapatids 😊 maraming  salamat po, sa mga nais ishare, feel free po mga kalapatiran ko sa larangang pagiibon.